
(A young lady comes home after work..)
tsahhg.. (isinara yung pinto)
clickshh.. (ini-lock niya eh)
(then sees how messed up the room is..)
(nagalit..)
Young Lady: Anak nang! ang gulo na naman dito!
(then she goes to the living room and saw character 1 and character 2)
Young Lady: O andito lang naman pala kayo eh..
(stares at charater 1, galit na galit na tingin..)
Young Lady: Anak ka naman ng chicharon oh!
umalis ako kanina ng bahay nang nakaayos ang lahat ng nandito..
siniguro ko pang ang lahat ay nakaayos..
dahil ayaw kong umalis naman nang bahay at iiwan ito ng marumi..
tapos ano?
uuwi ako nang ganito uli kagulo?
(throws her bag out of frustration)
(then stares at character number 2)
Young Lady: Palagi na lang bang ganito??
uuwi ako galing sa trabaho na umaasang makakauwi nang bahay para makapagpahinga na..
tapos ano??
pagdating ko dito maglilinis na naman..
nakakapagod din naman na yun..
(mejo nagluluha na ang kanyang mata)
(tumingin uli kay charater 1 at character 2)
Young Lady: Ano??
bat ba ayaw niyong magsalita?
ano to??
magtititigan na naman tayo??
(bigla na lang nilabas ni character 1 ang kanyang dila at nagkamot ng ulo si charater 2)
Young Lady: Ano yan??
yan na naman ang gagawin niyo?
yan lang naman kasi yata ang alam niyong gawin eh..
(habang nagsasalita siya ay biglang tumalikod si character 1 at character 2)
(tumitig uli kay character 1,mejo nababanas na)
Young Lady: Nakaka asar ka talaga!
ito ba ang igaganti mo sa lahat nang magagandang bagay na ginawa ko sayo?
naaalala ko pa dati, tuwing umuuwi ako sinasalubong mo kagad ako..
nilalambing mo pa ako parati..
tapos ngayon parang ibang iba ka na talaga..
napakabastos mo na!
akala mo siguro hindi ko alam na kung kani-kanino ka lang nakikipaglandian sa daan??
kahit nga nakikita ka na ng lahat ng tao sa daan na nakikipaglampungan eh wala ka pa ring pakialam..
ano??
hindi ka makasagot no??
kasi totoo?
(character 1 shyly walks in the corner)
Young Lady: Oh, nasaktan ka ba?
(then stares at character 2 naman)
Young Lady: O ikaw??
magtititigan ba na naman din tayo?
pasalamat na nga ako at malalaki na kayo eh..
akala ko magiging disiplinado na kayo..
pero wala eh..
ganun pa rin..
wala ka na ngang ibang ginawa kundi tulog dito at tulog dun eh..
tapos kapag gabi na nahuhuli pa nga kitang nag-mi-midnight snack?
pa simple ka talaga kung tumira!
(character 2 shyly walks in the corner too)
Young Lady: Tatahimik ka na lang din ba diyan?
o ano totoo kasi no??
(naglakad si character 1 at character 2 papunta sa pinto)
(nagtaka siya kung saan pupunta ang dalawa)
Young Lady: O ano saan kayo pupunta?
(character 1 and character 2 still continue moving closer to the door)
(bigla nalang nag flashback sa kanya ang lahat ng masasayang nangyari sa kanila nila character 1 at character 2..)
(Bigla na lang siyang naluha sa mga alaalang iyon..)
Young Lady: Teka! wag kayong umalis!
(character 1 and character 2 stopped moving and looked back at her)
Young Lady: Pasensiya na kayo sa mga nasabi ko..
masyado lang siguro akong nadala sa emosyon ko at dahil na rin siguro to sa pagod sa trabaho ko kanina..
wag niyo akong iwan..
matagal na tayong magkakasama at ayoko nang mawala kayo sa buhay ko..
mahal ko talaga kayo..
patawarin niyo ako sa mga nasabi ko..
please wag niyo ako iwan..
(a very touching song starts to play on the background)
(Character 1 and Character 2 started walking back to her)
(tinanggal niya ang kanyang kamay sa kanyang luhaang mukha at inangat ang ulo at nakita ang dalawa na papalapit sa kanya..)
Young Lady: Wag na wag niyo akong iwan..
pasensiya na kayo..
mahal na mahal ko talaga kayo..
patawarin niyo ako..
(sabay yakap kay character 1 at character 2)
(natuwa sila character 1 at character 2 sa pagyakap sa kanila)
(hindi na rin nila napigilan ang mga malalambing na salita na lumabas sa kanilang mga bibig dahil sa tuwa at sayang naramdaman..)
Character 1: woof woof!
Character 2: meow meow!
CCV

No comments:
Post a Comment