Saturday, September 12, 2009

Crash!



may paborito kang damit..




nadumihan at namantsahan..




naisipan mong labhan..




kumuha ka nang pinaka mabisang sabon sa pagtanggal ng dumi at mantsa..




ibinabad mo siya ng matagal..




mga halos ilang oras para matiyak na lalambot ang mga duming kumapit dito..




at mas madali siyang labhan..




pag katapos ng ilang oras ay naisipan mo na siyang labhan..




ginamit mo lang ang iyong mga kamay..




dahil sabi nga nila mas maganda at magiging mas maalaga sa damit ang pag 'Ha-Handwash"




hinango mo na siya mula sa kanyang pagkakababad sa mamahaling sabon..




sinimulan mo na siyang kusutin..




kuskos dito..



kuskos doon..




kuskos ngayon..



kuskos mayamaya..




halos naging napakaputi na ulit ng iyong labahan..




halos lahat kasi ng mantsa at dumi ay natanggal mo na..




binanlawan mo na siya..



hinango..




binanlawan uli ng pangalawa..




hinango mo siya uli..




tapos naisipan mo siyang lagyan ng "Fabric Conditioner"



Para maging mas malambot at kaaya-aya ang amoy niya..





binanlawan mo uli siya sa malinis na tubig na may "Fabric Conditioner"




hinango mo siya ulit..




napakaganda talaga ng damit mo..




kaya mo nga siya paborito..




tumingin ka sa labas at nakita ang sikat ng araw na napaka ganda..



ang panahong iyon ay tamang tama lamang para sa iyong pagsasampay..





kinuha mo ang iyong damit..




inilagay mo rin siya sa iyong paboritong "hanger"..




at isinampay ito sa bahagi nang sampayang lapat na lapat ang sinag ng maamong araw..




pagkatalikod na pagkatalikod mo pa lang ay may narinig kang isang malakas na tunog!



'Whhisssk!"



kasunod mong narinig ang isa pang tunog..




"PPPpppllllaaakkkk!'




Pagkaharap mo ay nakita mo ang sampayan..















Bumagsak kasama ang iyong isinampay.. marumi na siya..



ang saya diba??


Hay, buhay nga naman..



Teka, baka nagtataka ka kung ano yung connection ng Reon Kadena image na nasa taas ng post na to??



Siyempre alam na..



Trip lang..




CCV

No comments:

Post a Comment